Sa mga taong gustong magtayo ng kumpanya
Tumatanggap ang aming opisina ng mga kahilingan para sa aplikasyon sa pamamahala ng negosyo at magtatayo ng kumpanya bilang magkasama. Pangunahing sinusuportahan ng aming opisina ang magtatayo ng mga limited liability company at korporasyon. Ang bawat isa ay may mga kainaman at kahinaan, kaya ipaliliwanag ang mga patungkol para dito.
Sa Japan pinapayagan ng isang batas na ang “batas ng kumpanya” sa apat na uri ng kumpanya. Ang karamihan dito ay korporasyon o limited liability company. Mayroong pinagsamang korporasyon at pakikipagsosyo ngunit medyo espesyal ang mga ito at malaki ang kawalan para sa mga ito kaya’t hindi na ipapaliwanag dito. Ang limited liability company ay isang bagong sistema na kumpanya na nilikha sa pagtutupad ng Companies Act of 2006. May isa pang sistema ng kumpanya na tinatawag na “Limited Company", ngunit hindi na ito maaaring itatag dahil sa pagpapatupad ng Companies Act of 2006. Kung mayroon man na limited company sa ngayon ito ay itinatag bago mag 2006 na taon.
Dahil dito, bumaba na ang bilang ng limited liability company ngunit noong pahanon na bago pa ito mahirap makapag-loan at makakuha ng aplikante para sa trabaho. Kamakailan, unti-unting tumataas ang bilang ng mga limited liability company maging sa malalaking kumpanya gaya ng Google Japan, Apple Japan, at Amazon Japan, at walang malaking pagkakaiba lalo na sa mga single company at sa mga gumagamit ng store name.
Ang paraan ng paggawa ng desisyon sa mahahalagang bagay ay iba sa pagitan ng isang korporasyon at isang limited liability company. Ang paggawa ng desisyon ng isang korporasyon ay ginawa ng pangkalahatang pagpupulong ng mga kasosyo. Sa pangkalahatang pagpupulong na ito ng mga kasosyo, ibibigay ang karapatang "isang boto bawat puhunan", kaya mas madaling ipakita ang mga intensyon ng mga kasosyo na may malaking bilang ng puhunan. Kung gusto ng namamahala ng kumpanya na ipakita ang kanilang mga intensyon, ang isang regular na boto ay maaaring magpasya kung may parte na 51% na puhunan o higit pa (karamihan sa mga desisyon ng kumpanya, kabilang ang magtakda at pagpapaalis ng mga direktor). Gayundin, kung mayroon parte ng 67% o higit pa, maaaring gumawa ng isang espesyal na boto (paglipat ng negosyo, pag-amyenda ng mga artikulo ng pagsasama, atbp.) nang nakapag-iisa. Sa kaso ng isang limited liability company, karaniwang lahat ng empleyado ay kailangang sumang-ayon anuman ang kanilang parte sa kumpanya.
Ang termino ng panunungkulan ng mga direktor at iba pang mga opisyal ay karaniwang dalawang taon (apat na taon para sa mga auditor), ngunit ang mga korporasyon ay maaaring pahabain ito hanggang sa sampung taon. Hindi nangangahulugan na dapat itong mahaba. Halimbawa, hindi naging maganda ang trabaho ng chief director at gusto na itong ipatanggal, magiging sagabal ito sa paghaba ng kanyang termino. Kung sakaling ito ay maikli, ang pamamaraan ng pag re-new ay madaragdagan, at kapag ang termino ay natapos may posibilidad na kuhanin ang ngresign ng ibang kumpanya. Samakatuwid inirerekomenda na pag-isipan ng mabuti ang pagtakda ng termino dahil sa mga punto na nabanggit. Ang termino ng panunungkulan ng opisyal para sa limited liability company ay walang itinakda ayon sa batas. Ito ay karaniwang permanente maliban kung ang opisyal ay umalis sa kumpanya o pinaalis dahil sa isang iskandalo, o nag-retiro na.
Sa korporasyon ang tawag ay “executive director”, sa limited liability company ay “kinatawan ng empleyado”. Mayroong ilang mga tao na pinipili ang korporasyon sa kadahilanan na “ang pagkakabigkas sa kinakatawan ng empleyado ay parang hindi presidente!” Gayunpaman ito ay nanatiling presidente kaya’t isaisip ito bilang isang sanggunian.
Ang komisyon para sa korporasyon ay 200,000 yen at 60,000 yen para sa isang limited liability company. Kung hhihingi ng tulong sa administrative scrivener at judicial scrivener, kakailanganin ring bayaran ang mga ito nang hiwalay. Kung nag-aalala tungkol sa gastos, mas mabuti na piliin ang limited liability company