Gustong makakuha ng (naturalisasyon) Japanese nationality

Gustong makakuha ng (naturalisasyon) Japanese nationality

Gustong makakuha ng (naturalisasyon) Japanese nationality

Ang tawag sa mga dayuhan na gustong kumuha ng nasyonalidad na Japanese ay “naturalisasyon”
May tatlong uri ng naturalisasyon at ito ay mga “karaniwang naturalisasyon, “espesyal na naturalisasyon (simpleng naturalisasyon)”, at “pambihirang naturalisasyon”. Dito, ipapaliwanag ang mga kinakailangan para sa karaniwang naturalisasyon at espesyal na naturalisasyon.

 

普通帰化の要件
普通帰化はもっとも多い帰化の種類です。特に優遇条件に当てはまらない方はすべてこの普通帰化での日本国籍取得となります。普通帰化にはななつ要件があります。

 

1.引き続き5年以上日本に住所を有すること
「引き続き」とは「長期間日本を離れずに」という意味になります。ではどのくらいの期間離日してはマイナス要因となってしまうのでしょうか。

 

3ヶ月以上継続して日本を離れた場合
3ヶ月以上継続して離日してしまうと大きなマイナス要因となります。これはたとえ会社の出張や両親の介護などやむにやまれぬ事情であったとしても考慮してもらえないと思っておいてください。

 

1年間の内合計で「200日以上」離日している場合, これも大きなマイナス要因となります。
この場合は継続していなかったとしてもマイナス要因です。出張や介護などでも考慮してもらえません。上記同様海外出張が多く帰化を考えていらっしゃる方はこの旨を会社に伝えて考慮してもらうようにしておいた方がいいでしょう。

 

Mga kinakailangan para sa pangkaraniwang naturalisasyon

Ang karaniwang naturalisasyon ay ang pinaka maraming uri ng naturalisasyon. Ang lahat ng hindi nakakatugon sa mga kundisyon ay makakakuha ng nasyonalidad ng Japan sa pamamagitan ng naturalisasyon na ito. Mayroong ilang mga kinakailangan para sa karaniwang naturalisasyon.

 

1. Kinakailangan na may tirahan sa Japan na hindi bababa sa limang taon.

Ang ibig sabihin ng "patuloy" ay "hindi umalis sa Japan ng mahabang panahon". Kung gayon, gaano katagal ang magiging negatibong kadahilanan ang pag-alis sa Japan?

 

Kung umalis sa Japan patuloy ng tatlong buwan o higit pa.

Kung aalis sa Japan ng higit sa tatlong buwan, ito ay magiging isang malaking negatibong kadahilanan. Mangyaring tandaan na kahit na ito ay isang hindi maiiwasang dahilan na sitwasyon tulad ng business trip sa kumpanya o kailngan alagaan ang mga magulang.

 

Kung wala sa Japan ng "200 araw o higit pa" sa loob ng isang taon,

Isa itong malaking negatibong dahilan.Kahit hindi man ito patuloy-tuloy maaari itong maging negatibong dahilan. Hindi bibigyan ng konsiderasyon ang mga dahilan tulad ng business trip o may kailangang alagaan. Tulad ng nasabi kanina kung maraming business trip sa ibang bansa at nagbabalak mag-aplay ng naturalisasyon, dapat ipaalam ito sa kumpanya at humingi ng konsiderasyon para dito.

 

Tatlong taon o higit pa sa karanasan sa trabaho

Hindi sapat ang manirahan sa Japan sa loob ng limang taon, kakailanganin ng "tatlong taon o higit pang karanasan sa trabaho" sa panahon na nasabi. Ito ay isang karanasan bilang isang empleyado at hindi isang part-time na trabaho. Gayunpaman, kung nagtrabaho bilang isang full-time na empleyado sa loob ng tatlong taon o higit pa dahil ang pagsusuri ay magiging mahigpit para sa mga nakapgtrabaho na dumaan sa agency at nakakontratang empleyado.

 

2. Ang 20 taong gulang o mas matanda ay kinikilala bilang isang nasa hustong gulang sa ilalim ng batas ng sariling bansa

Parehong kinikilala na nasa hunstong gulang sa Japan at sariling bansa. Sa Japan ang 20 taong gulang pataas ay kinikilalang nasa hustong gulang ngunit ang kahulugan ng “nasa hustong gulang” ay nag-iiba sa bawat bansa.
Sa Pilipinas, ang 18 taong gulang ay nasa hustong gulang, ngunit sa Japan ay 20 taong gulang, kaya ang mga 19 taong gulang na Pilipino ay hindi maaaring mag-aplay para sa naturalisasyon kaya’t kailangan maghintay hanggang 20 taong gulang.

 

3.Pagiging mabuting Tao (ugali)

Hahatulan kung maaaring mamuhay ng hindi nakakagambala sa mga tao sa paligid sa pamamagitan ng wastong pagsunod sa mga alituntunin at batas. Halimbawa, walang pagkadelingkuwensya sa buwis o pensiyon, walang kriminal rekord, hindi sangkot sa kawal laban sa lipunan, at iba pa. Kung may-ari ng kumpanya, ang pagbabayad ng buwis ng korporasyon ay sasailalim din sa pagsusuri. Kung sakaling may kasalukuyang pagkukulang sa mga bayaran para sa buwis, mangyaring magbayad bago mag-apply. Natural lang na dapat magbayad ng maaga sa halip na “dahil napagsabihan" pagkatapos ng aplikasyon, ngunit ito ay dahil nagbibigay ng magandang impresyon. Kung mayroon isang miyembro ng pamilya, ang pagkakaibigan ng iyong pamilya (kung may mga kaibigan na sangkot sa kawal laban sa lipunan, atbp.) ay nasasailalim din sa pagsusuri.

 

4.Ang kakayahang kumita ng hindi nagkakaproblema sa gastusin sa bahay

Ito ay susuriin kung ang buong pamilya ay maaaring mabuhay at maystable na trabaho nang walang anumang problema. Para dito ang "kita" ang pangunahing bagay sa pagsusuri, at ito ay isang kondisyon na ang sambahayan ay walang kakulangan sa gastusin at ang pagpapatakbo ng kumpanya ay may katiyakang pang-araw-araw na pamamahala. Dapat hindi bababa sa "180,000 yen o higit pa" ay isang gabay para sa isang buwan.

 

5.Ang kakayahang bitawan ang orihinal na nasyonalidad

Dahil hindi pinapayagan sa batas ng Japan ang dual citizenship, pag nagpanaturalisasyon ang ibig sabihin ay mawala ang orihinal na nasyonalidad. Ang kondisyon para dito ay kung magiging posible ba o wala talagang nasyonalidad nung una pa lamang.

 

6.Kung walang mapanganib o marahas na pag-iisip

Halimbawa, kung gusto bang ibagsak ang gobyerno, o kung sinusubukan mag-rebolusyon gamit ang marahas na pamamaraan. Sa ganitong mga kaso, hindi pinahihintulutan ang pag papanaturalisasyon. Ito ay dahil ang pagiging isang Japanese ay hindi kailanman pinapayagan na makapinsala sa pamahalaan ng Japan o sa mga mamamayang Japanese. Ang pakikilahok sa mga naturang grupo at organisasyon ay isa ring pangunahing negatibong dahilan. Hindi lang para sa aplikante kundi pati sa mga pamilya na kasali ay magiging negatibong dahilan.

 

Kailangan marunong mag-basa at mag-sulat ng Japanese

Dahil maninirahan na sa Japan sa hinaharap, ang kakayahan sa Japanese ay sasailalim din sa pagsusuri. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na kailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa wika, o sa antas ng interpretasyon o pagsasalin. N4 hanggang N3 na antas ng kasanayan sa Japanese Language Proficiency Test ay sapat na. Idinaraos din ang mga pagsusulit sa wikang Hapon, ngunit hindi mahirap ang mga katanungan, kaya’t kung nakakapag-basa at nakakapag-sulat ay wala dapat alalahanin.

 

Mga kinakailangan para sa espesyal na naturalisasyon (simpleng naturalisasyon)

Kahit na ito ay tinatawag na espesyal o simpleng permit (mula rito ay tinutukoy bilang "simpleng naturalisasyon"), ang pamamaraan at pagiging kumplikado ng aplikasyon mismo ay mananatiling pareho. Gayunpaman, ang mga kinakailangan at ang mahigpit na pagsusuri ay posibleng lumuwag na. Ang Artikulo 6 ng Batas sa Nasyonalidad ay nagtatakda ng mga kinakailangan para sa simpleng naturalisasyon, at kung ang mga sumusunod na kinakailangan ay matutugunan, posibleng mag-aplay para sa simpleng naturalisasyon.

 

1.Mga anak ng Japanese nationals (hindi kasama ang inampon na anak) na mayroong address o tirahan sa Japan sa loob ng tatlong taon o higit pa.

Ito ay kapag ang mga magulang o ang isa sa mga magulang ay Japanese at binitawan na ang Japanese na nasyonalidad. Dahil hindi pinapayagan sa batas ng Japan na dalawa ang citizenship, kaya’t kung sakaling gustong mag-aplay ng ibang nasyonalidad kinakailangan bitawan ang pagiging Japanese. Samakatuwid, ang anak ay hindi maaaring makakuha ng Japanese nationality, ngunit kung siya ay nanirahan sa Japan ng tatlong taon o higit pa, maaaring mag-aplay para sa naturalisasyon. Kung ikukumpara sa karaniwang naturalisasyon, ang panahon ng paninirahan ay kadalasang nagiging mas maikli kumpara sa karaniwang naturalisasyon sa loob ng dalawang taon.

 

2.Ang taong ipinanganak sa Japan na may address o kinaroroonan sa loob ng tatlong taon o higit pa, ang ama o ina (hindi kasama ang adoptive parents) ay ipinanganak sa Japan.

Mga Koreanong naninirahan sa Japan, ang pangalawa at pangatlong henerasyon ng North Korea ay tumutugma sa kasong ito. Maraming mga nasyonalidad ng North Korea ang turning point sa buhay ang pag-papakasal, panganganak at pagpasok sa trabaho para mag-aplay ng naturalisasyon.
Mangyaring kumonsulta sa aming opisina tungkol sa mga gustong mag-aplay para sa naturalisadsyon matapos alamin ang taon ng inyong paninirahan.

 

3. Para sa mga taong patuloy na naninirahan sa Japan ng 10 taon o higit pa

Para sa karaniwang naturalisasyon nasabi na “Kinakailangan may address sa Japan ng limang taon o higit pa” pero sa kaso na ito hindi ang address ang sinasabi at ang kailangan ay “kinaroroonan”. Ang salitang ito ay hindi masyadong pamilyar na “kinaroroonan”, at hindi nagbabago para sa karakter na address, ngunit may malinaw na pagkakaiba sa “ang address" at "ang kinaroroonan" bilang legal na termino.

 

Address

Tuland ng pagkakaalam natin walang problema kung ang pag kakaintindi sa address ay “kung saan nakatira ngayon”.

 

Kinaroroonan

Ang salitang “kinaroroonan” ay hindi pamilyar ngunit ang ligal ng kahulugan ay “tirahan kung saan mananatili para mamuhay ngunit hindi ito pang habang- buhay”.
Sa madaling salita ito ay ang isang lugar kung saan malinaw na tuluyang lilisanin. Halimbawa, dormitoryo para sa solong empleyado, hotel para sa business trip, ospital dahil kailangan gamutin.
Sa aplikasyon para sa naturalisasyon, ang panahon ng trabaho ay "tatlong taon o higit pa", ngunit sa kasong ito, ang panahon ng trabaho ay paikliin sa "isang taon o higit pa".

 

4. Para sa asawa ng Japanese

Ang mga dayuhan na kasal sa Japanese ay maaaring mag-aplay para sa naturalisasyasyon na may mas maikling panahon ng pananatili kumpara sa karaniwan. Depende na lamang ito “Noong panahon na ikinasal ang dayuhan ba ay nasa Japan o wala”

 

Patuloy na naninirahan o may address sa Japan ng tatlong taon o higit pa, at mayroong address sa Japan

Kung nasa Japan nang higit sa tatlong taon sa simula ng ikinasal, may karapatan na mag-aplay para sa naturalisasyon kasabay sa panahon noong ikinasal. Kung nanatili sa Japan ng dalawang taon, magkakaroon ng karapatang mag-aplay kung mananatili sa Japan ng isang taon pa pagkatapos ng kasal.

 

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng ikinasal, at nananatili na nakatira sa Japan ng isang taon o higit pa

Kahit na ikinasal sa Japanese sa ibang bansa, at nanatili sa Japan ng tatlong taon o higit pa, at kung mananatili pa sa Japan ng isa pang taon maaari ng mag-aplay para sa naturalisasyon.

 

5. Anak ng Japanese

Mayroong dalawang uri ng "anak" ayon sa batas. Tunay na anak at ampon. Ang mga kinakailangan sa naturalisasyon ay nag-iiba depende kung ang bata ay isang tunay na anak o ampon.

 

Para sa tunay na anak

Hindi ba dapat ang nasyonalidad ay Japanese dahil anak siya ng Japanese? Bakit kailangan magpa-naturalisaston?” marahil may mga nagtataka patungkol dito, ang ibig sabihin ay ang orihinal na nasyonalidad ay dayuhan at nagpa-naturalisasyon, at ang bata ay nasa orihinal na nasyonalidad pa rin. O kung ang isa sa mga magulang ay Japanese at ipinanganak ang bata sa ibang bansa, at pinili ang nasyonalidad ng bansang sinilangan. Para sa ganitong kaso kung mayroong permanenteng address sa Japan, maaaring mag-aplay para sa naturalisadsyon anuman ang panahon ng pananatili.

 

Para sa ampon

Nalalapat ito sa mga sumusunod na kaso.

 

Ipinanganak ang bata sa pagitan ng parehong dayuhan na magulang → nag-diborsyo ang magulang → Ang magulang na kumuha sa bata ay muling nagpakasal sa Japanese → Pumunta sa Japan kasama ang magulang → Inampon ng pinakasalan ng magulang

 

Sa tulad ng kaso na nasasabi sa itaas. Gayunpaman, sa mga ganitong kaso mayroong dalawang kinakailangan.

 

Kinakailangan 1: Ang panahon ng pananatili ay kailangan lumipas ng hindi bababa sa isang taon pagkatapos ng pagdating sa Japan.
Hindi maaaring mag-aplay kaaagad para sa naturalisasyon pagkarating sa Japan. Kinakailangan manatili sa Japan pinakamababa na ang isang taon.
Kinakailangan 2: Dapat ay menor de edad sa ilalim ng batas ng sariling bansa noong panahon ng pag-aampon
Ang edad ay kinakailangan. Kung umabot na sa ligal na edad sa ilalim ng batas ng sariling bansa, hindi maaaring mag-aplay para sa simpleng naturalisasyon.
Sa Pilipinas, ang 18 taong gulang ay nasa ligal na edad , maliban kung inampon nung edad na 17 gulang na taon, hindi makakapag-aplay para sa simpleng naturalisasyon. Mangyaring mag-ingat na huwag magkamali para dito. Ito ay mahalaga, kaya uulitin namin sabihin. “Hindi sa ligal na edad sa Japan kundi sa ligal na edad sa sariling bansa

 

6. Dating Japanese

 

7. Walang nasyonalidad nung pinanganak at mayroong address sa Japan ng tatlong taon o higit pa.

 

Ang mga tao na nabanggit ay maaaring makapag-aplay para sa simpleng naturalisado.

トップへ戻る