Maninirahan sa bansang Japan kasama ang pamilya
Kung madadala ang mga minamahal na pamilya sa Japan, hindi na makararamdam ng kalungkutan. Ipapapliwanag ang estado ng paninirahan na may kaugnayan sa pamilya.
Family Stay
Ang family stay ay maaaring makakuha ng estado ng residente kung gustong papuntahin ang asawa at mga anak. Para makakuha ng family stay kinakailangan ay isa sa pamilya ay mayroong estado ng paniniraha para makapagtrabaho. (maliban sa "diplomatic", "public use", at "technical intern training”), o kaya naman ay kailangan ng estado ng paninirahan para makapag-aral sa Japan.Kahit aprubado na ang aplikasyon at ang pamilya ay maaaring manatili sa Japan, sila ay hindi makakapagtrabaho (mayroon permit na para magawa ang mga aktibidad maliban sa naaprubahan sa ilalim ngestado ng paninirahan na ipinagkaloob).
Tungkol sa asawa
Ang asawang babae o lalake na hanggang ngayon ay may bisa pa ang kanilang kasal, hindi maaaring isama ang nag-diborsyo, engaged at mga kamag-anak. Gayundin sa mga kasal sa parehong kasarian na tinatanggap sa ibang bansa ay hindi maaaring isali dito.
Tungkol sa anak
Kasama sa "Anak" ang lehitimong anak, mga ampon, kinikilalang anak sa labas. Kabilang dito ang mga bata na umabot na sa ligal na edad, ngunit kung 18 taong gulang o mas matanda, madalas ay hihilingin na mag-aplay para sa isang estado ng paninirahan bilang “internasyonal na estudyante".
Para sa mga internasyonal na estudyante na gustong mapuntahin ang pamilya
Kung ang isang dayuhan na naninirahan na may estado ng paninirahan bilang “internasyonal na estudyante” at gustong papuntahin ang pamilya maaaring isailalim sa pagsusuri ang sitwasyong pinansyal ng mag-aaplay. Ang mga internasyonal na estudyante na galing sa ibang bansa ay maaari lamang magtrabaho ng part-time ng 28 oras sa loob ng isang linggo na kinakailangan na may permit para magawa ang mga aktibidad maliban sa naaprubahan sa ilalim ng estado ng paninirahan na ipinagkaloob, dahil mahirap na suportahan ang kanilang mga pamilya nang mag-isa, kaya’t susuriin ang iba pang mga naipon na pera at estado ng ari-arian. At dahil ang mga internasyonal na estudente ay kadalasan nakatira lamang sa isang kwarto at hindi maaaring manatili ang pamilya sa lugar na inuupahan kaya’t kadalasan ay hindi naaaprubahan ang aplikasyon. Dahil sa mga ganitong rason, kung kaya’t ipinapayo na ihanda muna ang mga ari-arian, lugar na titirahan at iba pang mga kailangan ayusin para sa pamumuhay bago iaplay ang family stay na visa.