Katayuan ng paninirahan para sa internasyonal na kasal

Kamakailan lang, dumami ang bilang ng mga nagpapakasal sa ibang nasyon kasabay ng globalisasyon. Ang estado ng paninirahan para sa kasal ay “asawa ng Japanese, atbp." at "asawa ng permanenteng residente, atbp." Ipapaliwanag ang tungkol sa “asawa ng Japanese, atbp.” Ang pangkalahatang tuntunin ay pareho para sa "asawa ng permanenteng residente”.

 

Mga puntos sa pagsusulit

Angpagpapakasal sa ibang nasyon mismo ay pinahihintulutan kung ang proseso ay tama, maliban na lamang kung may mga bagay na hindi karaniwan. Karamihan sa mga tao ay iniisip na "Madaling kumuha ang isang asawa para sa estado ng paninirahan" kaya sinubukan mag-apply, ngunit maraming mga tao na humihingi ng tulong sa isang administrative scrivener dahil hindi naaprubahan ang aplikasyon. Ang estado ng paniniraha para sa mag-asawa, atbp. ay napakahigpit na pagsusuri sa kadahilanan na marami ang pekeng kasal, mahabang panahon na ang nakalipas ngunit kumakaunti na ngayon ang mga ganitong kaso.

 

Gusto ba talaga ng dalawang tao na ikasal

”Gusto ba talaga ng dalawang tao na ikasal”, ay isang napakahalagang katanungan sa pagsusuri. Sa madaling salita ito ay hindi “pekeng kasal”. Maraming mga katanungan para malaman ang katotohanan. Saan nag-kita, paano nagkakilala, paano nabuo ang relasyon, kung ano ang nagustuhan sa isa’t isa, pagkatapos ikasal ano ang balak gawin para mamuhay, ilan ang gustong maging anak atbp. Maaaring isipin sa lebel na panghihimasok sa privacy ng mag-asawa, ngunit kailangan tandaan na napakahigpit ang kanilang pagsusuri para dito. Maaaring mag-request ang nagsusuri ng litrato na mag-kasama ang dalawang mag-asawa. Mas maiigi na mag sumite ng sampu o higit pa na litrato para paniwalaan ang relasyon ng mag-asawa, kaya’t sa mga may balak magpakasal na taga ibang bansa mangyaring magpapicture ng marami kahit na sa mga ayaw magpakuha ng litrato para sa ebidensya.

 

Baseng pang-ekonomiya

Mahihirapan maaprubahan ang aplikasyon sa mga tao na mayroong problema sa gastusin para sa buhay may asawa o kaya naman mababa ang sweldo na pinakasalan na Japanese, part-time job, o nakaregister sa agency upang makapagtrabaho. Kahit na matatag ang samahan ng mag-asawa at nabigyan ng estado ng paninirahan, kinakailangan na matatag din ang pinansyal na sitwasyon ng mag-asawa sa kadahilanan na panghihinalaan na baka hindi magtagal ang samahan. Mayroong alalahanin na gumawa ng krimen dahil sa kahirapan sa buhay.

 

Halimbawa ang dayuhan na pupunta sa Japan at maghahanap ng trabaho, kinakailangan ng patunay na may karanasan sa trabaho o lisensya, kahusayan para makahanap ng trabaho. Bilang karagdagan, dapat linawin na kung paano kayong mag-asawa magsusumikap upang makayanan ang kasalukuyang sitwasyon at makakuha ng isang stable na pamumuhay, tulad ng stable na kita, ang mga ipon at ari-arian, at kayang tumayo sa mga sariling paa ng walang tulong mula sa mga kamag-anak.

 

Paano kayo nagkakilala

Ang pinaka ideyal na situwasyon ay nagkataon na nagkakilala at nagkagustuhan sa isat’t isa. Madaling patunayan ang relasyon kung ganito, at higit sa lahat, malaki ang posibilidad na makapasa sa pagsusuri dahil sa pagsasabi ng mga katotohanan. Gayunpaman, marami rin ang mag-asawa na nagkakilala gamit ang “tool”.

 

Ang ibig sabihin sa binabanggit na “tool” dito ay halimbawa sa dating agency or site, kasama na rin ang mga kabaret na may nagtatrabaho na dayuhang hostess. Sa website maaaring isipin ito na “isa sa mataas na posibilidad na makakilala ng kabaliktaran na kasarian” Sa mga ganitong situwasyon may posibilidad na panghihinalaan kung talagang seryoso ang pakikipagrelasyon. Dahil iisipin ng tagasuri na katawan, pera ang habol, o kaya naman nadala lang ng sa situwasyon at nagmamadali para ikasal.

 

Para patunayan na meron talaga na ganitong tool kailangan mapaliwanag ito ng maiigi. Kailangan makolekta ng mga dokumento para mapatunayan na ang dating agency at site ay hindi mapanlinlang. At may posibilidad na mag-request sila na idetalye kung paano kayo nag-uusap. At para mapatunayan na seryoso ang inyong relasyon gaya ng nabanggit kanina kinakailangan ang mga litrato. Maaari din gamitin ang mga usapan ninyo sa mail or line na application at ipaprint ito para patunayan ang inyong relasyon.

 

Pag-uugali ng dayuhan

Hindi lamang tinitingnan ang estado ng paninirahan ng asawa, importante rin ang ugali ng dayuhang aplikante. Kahit na mapatunayan ang kasal ay batay sa tunay na pagmamahalan, mataas pa rin ang posibilidad na mabigo ang aplikasyon kung mayroong rekord na overstay o krimen. Gumagamit ang immigrant inspector ng iba't ibang paraan upang imbestigahan ang pag-uugali at pamumuhay ng aplikante habang nananatili sa Japan. Maaaring isipin na halos imposibleng magsinungaling. Samakatuwid, sa oras ng aplikasyon, kung may mga katanungan, kailangan sagutin nang tapat kahit na hindi maganda ang kasagutan. Kung sakaling may ilang hindi maganda ang naging kasagutan maaari itong bumawi sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagsisisi sa mga nagawa.
トップへ戻る