Gustong magpatakbo ng negosyo

Maraming mga dayuhan ang gustong magtayo ng kumpanya o negosyo sa Japan. Dito ipapaliwanag kung paano ang magiging mga proseso para magkaroon ng estado ng paninirahan.

 

Pangangasiwa ng negosyo

Ito ang estado ng paninirahan para sa mga negosyante at namamahala ng kumpanya.

 

Para sa mga requirements
Opisina

Ang opisina ay dapat nakahiwalay sa tirahan. Kung ang tirahan at ang opisina ay iisa lamang hindi ibig sabihin na hindi ito maaaprubahan, ngunit malaki ang posibilidad na mahirap itong maaprubahan.

 

 

Skala ng negosyo

Mayroong dalawang kailangan para sa skala ng negosyo. Mga pangangailangan ng pantao at pinansyal. Kinakailangan na matugunan ang isa sa mga kundisyon na ito.

 

Pangangailangan sa pantao

Kinakailangan na hindi bababa sa dalawa ang full-time na empleyado. Ang mga empleyado ay kinakailangang ay Japanese, at kung dayuhan ang empleyado, kailanganang estado sa paninirahan ay "permanenteng residente (kabilang ang mga espesyal na permanenteng residente)", "asawa ng Japanese", "asawa ng mga permanenteng residente", at “long-term resident".

 

Mga kinakailangan sa pananalapi

Ang kabuuang halaga ng kapital o pamumuhunan ay dapat limang milyong yen o higit pa. At kinakailangan din na linawin ang pinagmulan ng mga pondo. Kung gustong magtayo ng kumpanya, kinakailangan mapatunayan ito sa pamamagitan ng pagtakda ng puhunan ng limang milyong yen, ngunit kung ang magtatayo ng kumpanya ay nag-iisang pagmamay-ari, ang pagkakaroon ng balanse na limang milyon yen sa passbook ay hindi sapat bilang isang patunay. Dahil ito ay maaaring pagsuspetsahan bilang isang pansamantalang “show money” kailangan ito ilagay bilang puhunan at kumuha ng resibo bilang patunay na pondo. Mayroon din itong kalamangan na kung ang kumpanya ay may mas mataas na kredibilidad sa lipunan. Karaniwang inirerekomenda ng aming opisina ang pagtatayo ng isang kumpanya, ngunit tumatanggap din ng mga konsultasyon para sa mga nag-iisang pagmamay-ari na gustong magbukas ng negosyo. Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.

 

Kung hindi matugunan ang mga pangangailangan ng pantao at pinansyal

Kahit na hindi matugunan ang mga kinakailangan ng pantao at pinansyal tulad na nabanggit sa itaas, may pagkakataon na pumasa. Halimbawa, kung mayroon lamang isang empleyado ngunit ang kapital ay dalawa’t kalahating milyon yen. Depende sa sitwasyon, kaya’t huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung mahirap matugunan ang mga pangangailangan ng pantao at pinansyal.

 

Sa kaso ng "pangangasiwa"

Ang ibig sabihin ng "Pamamahala" ay yung mismong may-ari o tagapangasiwa ng negosyo, ngunit ang “pangangasiwa” ay inilaan para sa nangangasiwa ng departamento at sa lugar gaya ng middle manager at site manager, at ang mga taong namamahala ang paksa dito. Ang “pangangasiwa” ay kailangan ng karanasan sa trabaho ng tatlong taon o higit pa. Gayunpaman, kahit na walang karanasan sa trabaho, maaaring matugunan ang mga kinakailangan kung naka-graduate sa school sa loob ng tatlong taon o higit pa. Dapat tandaan na hindi tinutukoy dito ang "unibersidad" kundi “masteral degree". Ang suweldo ay dapat halos kapareho ng sahod ng Japanese staff na may katumbas na propesyon. Kung anuman ang estado ng paninirahan, hindi maaaring ibaba ang suweldo nang hindi makatwiran dahil ikaw ay isang dayuhan.
トップへ戻る