Pagtatrabaho sa Japan. Gustong kumuha ng trabahador na taga ibang bansa.

Pagtatrabaho sa Japan. Gustong kumuha ng trabahador na taga ibang bansa.

Pagtatrabaho sa Japan. Gustong kumuha ng trabahador na taga ibang bansa.

Ito ay tinatawag na "working visa". Dahil mayroong mga uri, kaya’t ipapaliwanag ang mga klase at mga puntos para sa aplikasyon.

 

 

 

 

Teknolohiya / Kaalaman sa Araling Pantao / Pandaigdigang Negosyo

Ito ang pinakamadalas na nakukuhang estado ng paninirahan na may kaugnayan sa trabaho. Tingnan natin ang bawat trabaho.

 

Teknolohiya

Ang mga estado ng paninirahan na ito ay pangunahing nakukuha pag kumukuha ng mga dayuhan na may espesyal na kaalaman at kasanayan sa agham. Kabilang sa mga trabaho ang mga IT engineer, web designer, architectural engineering, optical engineering na mga trabaho na may kaugnayan sa engineering.

 

Kaalaman sa Araling Pantao

Ito ay isang estado ng paninirahan na pangunahing nakukuha ng mga tao mula sa malalayang sining. Kasama sa mga uri ng trabaho ang mga negosyo, accounting, general affairs, atbp

 

Pandaigdigang Negosyo

Masasabing isa itong hanapbuhay na magagamit nang husto ang mga katangian ng pagiging dayuhan. Kabilang dito ang mga pagsasalin, interpreter, at guro ng wika.

 

 

Para sa mga requirements
Ang mga kaugnayan sa pagitan ng deskripsyon ng trabaho at espesyalidad

Kailangan magkaugma ang trabahong papasukin sa pinag aralan sa unibersidad, junior college at bokasyonal (para sa bokasyonal kailangan ay sa skwela lamang ng Japan nakapagtapos)Mahirap kumuha ng eksaktong tugma, ngunit maaaring hindi ito tanggapin kung ang espesyalidad at deskripsyon ng trabaho ay tila masyadong naiiba.
Halimbawa, kung ang isang tao mula sa kinagisnan ay agham at itinalaga sa departamento ng accounting, o ang isang tao mula sa kinagisnan ay liberal arts at itinalaga sa isang system engineer.

 

Tungkol sa karanasan

May posibilidad na makapag-aplay para sa teknikal/kaalaman sa araling pantao, kahit na nagtapos lamang sa mataas na paaralan, kung may karanasan sa trabahong pinasok ng 10 taon o higit pa.
Para naman sa pandaigdigang negosyo, kinakailangan ng karanasan sa trabaho ng hindi bababa sa tatlong taon. Ngunit kung nakapagtapos sa unibersidad, maaaring mag apply ng trabaho bilang tagapagsalin, interpreter, guro sa wika, at hindi na kailanganng magkaroon ng karanasan sa trabaho para dito. Ang mga karanasan sa trabaho na ito ang kailangan ng katibayan(sertipiko) na nakapagtrabaho sa isang kumpanya.

 

Tungkol sa sweldo

Ang suweldo ng dayuhang manggagawa ay dapat katumbas o mas mataas kaysa sa sahod ng mga Japanese. Kahit na isang dayuhan, hindi maaaring magtrabaho sa ilalim ng hindi makatwirang o mas masahol na kondisyon kaysa sa mga Japanese. Kinakilangan na ang sahod ay mas mataas kaysa sa pinakamababang sahod na itinakda ng prefectural. At dahil maaari itong ihambing sa suweldo ng parehong propesyon at sa parehong industriya, kahit na ang mga kondisyon ay kapareho ng mga Japanese na empleyado sa parehong kumpanya, kung kapansin-pansin na ang mga kundisyon ay mas malala kaysa sa mga nasa parehong industriya, maaaring hindi ito pumasa sa pagsusuri.

 

Pagkakaroon ng kontrata sa trabaho

Dapat may isang kontrata sa pagitan ng kumpanya at sa dayuhan na manggagawa. Ang kontrata ay hindi kinakailangan bilang kontrata sa trabaho. Kung anuman na kontrata ang gawin, kahit idaaan ito sa agency, kasunduan, o iutos ito walang magiging problema. Kailangan isabay ang pagsumite ng kontrata ng trabaho sa aplikasyon.

 

Kondisyon ng negosyo ng kumpanya

Mahalaga rin ang kalagayan ng negosyo ng inyong kumpanya. Dahil nag-hire ang kumpanya ng dayuhan at kung patuloy na paglugi ang negosyo, hindi makakapagtrabaho ng matagal ang dayuhan sa magiging amo nito. Gayunpaman, dahil lugi ang negosyo ng kumpanya, hindi ito nangangahulugang na hindi papasa sa pagsusuri, kailangan magsusumite ang kumpanya ng isang plano sa negosyo na may kasama at ipapaliwanag kung paano ang gagawin para kumikita muli ang pamamahala sa hinaharap. Para sa mga bagong tatag na kumpanya, kadalasan ay kinakailangang magsumite ng plano para sa pagpapatakbo ng negosyo.

 

Meron o walang kriminal rekord at iligal na pananatili.

Kung mayroong kriminal rekord sa Japan o sa sariling bansa, magiging mahirap na pumasa sa pagsusuri. Pareho din kung mayroong iligal na pananatili, overstay, iligal na trabaho o overtime sa part-time na trabaho (sa loob ng 28 oras sa isang linggo). At syempre kasama sa susuriin ang pag-uugali ng taong mag-aaplay.

 

Kahusayan

Gaya ngnakasaad, ito ay isang kwalipikasyon na nangangailangan ng mga bihasang kakayahan para sa pagiging karapatdapat na manatili.
Ang kahusayan na estado sa paninirahan ay hindi nangangailangan ng anuman na edukasyonal na karanasan, ang kakailanganin lamang ay 10 taon o higit pa na karanasan sa trabaho. Gayunpaman, kabilang dito ang panahon ng pag-aaral sa isang espesyal na institusyong pang-edukasyon. Tinatanggap din kung nag-aral sa isang culinary school ng dalawang taon at ngtrabaho sa isang restawran ng walong taon.

 

Hanapbuhay

Mayroong siyam na uri ng trabaho na nakalista ayon sa batas, gaya ng mga kusinero, sommelier ng wine, sports instructor at iba pa ngunit kadalasan ang mga nag-aaplay ay mga kusinero.

 

 

Para sa mga requirements
Karanasan sa trabaho

Gaya ng nakasaad sa itaas kailangan ng karanasan sa trabaho ng 10 taon o higit pa.
May pagkakataon na tatawagan sa telepono ng Immigration Bureau ng Japan para kumpirmahin ang karanasan sa trabaho sa bangsang pinanggalingan, kaya’t nirerekomenda na kausapin ang dating pinasukan na kumpanya at ang pinapasukan na kumpanya sa kasalukuyan. May kaso na mga nagsasabi ay “Wala kaming kilala na ganyan ang pangalan na nagtatrabaho dito” kung kaya’t hindi makumpirma na nagtrabaho sa sinabing kumpanya. Kaya siguraduhing sabihin sa taong namamahala sa dating kumpanya na maaari silang makatanggap ng tawag.

 

Para malaman kung mayroon talaga na restawran

Maaaring kumpirmahin ang pagkakaroon ng restawran kung saan nagtrabaho ang inanyayahang kusinero sa pag-gamit ng Google Earth. At kung sakali sarado na ang restawran na sinabi, maaaring makipagugnayan sa dating may-ari nito at humingi ng patunay na nakapagtrabaho sa kanilang restawran ang nasabing nag-aaplay. Kung walang sertipiko, kahit totoong nagtrabaho sa restawran na sinabi may pagkakataon na hindi pumasa ang aplikasyon kung kaya’t kailangan humingi ng patunay na papeles.

 

Mga problema sa pagitan ng mangagawa at namamahala

Tulad ng nabanggit sa teknikal, kaalaman sa araling pantao at pandaigdigang negosyo wala dapat pagkakaiba sa pagtrato sa mga trabahador na Japanese.
At dahil binabawaas sa sweldo ang pamasahe, sustento para sa mga nakadepende sa manggagawa, upa sa bahay at iba pa, kailangan ay makatanggap ng tamang sweldo.

 

ここで紹介するのは就労系の在留資格の中の外国から人材を招聘する場合の在留資格になります。
May mga ipapakilala para maaring mag-apply ng estado ng paninirahan na may kaugnayan para makakuha ng trabahador sa ibang bansa.

トップへ戻る