Sa mga taong gustong manirahan ng permanente sa Japan
“Maginhawa ang buhay sa Japan, at mahirap magpabago ng estado ng paninirahan tuwing nag-expire ito, kaya ’t iisipin na lamang mamuhay ng permanente sa Japan …” may mga dayuhan din na ganito ang nasa isip tungkol dito. Ipapaliwanag kung ano ang kailangan gawin para makakuha ng "permanenteng residente" na estado ng paninirahan.
Mga kinakailangan para makakuha ng Permanenteng Residente
Ang tawag dito ay “kinakilangan ng kabutihang asal” na ang ibig sabihin ay walang kriminal rekord, paglalabag sa batas at pagkadelingkuwensya sa buwis. Kung nagkaroon ng kriminal rekord at nakulong, tiyak ma mahihirapan makakuha ng pahintulot at kung paulit-ulit na gumagawa ng kahit menor na ilegal na gawain, magiging isa sa mga dahilan para hindi maaprubahan. Halimbawa, ang paglabag sa trapiko. Ang mga paglabag sa trapiko ay hindi magiging isang malaking negatibong dahilan kung ito ay mga dalawa o tatlong beses sa loob ng nakaraang limang taon, ngunit kung nasuspinde o nagkaroon ng maraming aksidente sa trapiko, ang pagsusuri ay magiging mahigpit.
Bilang karagdagan, ang mga malisyosong paglabag tulad ng pagmamaneho ng lasing o walang lisensya ay maaaring maging pangunahing negatibong kadahilanan kahit isang beses lang ito nangyari. Ang sobrang trabaho at overstay ay mga magiging negatibong kadahilanan din.
Ang mga hindi nakakapagbayad ng tamang buwis at pensiyon ay isa rin sa mga pangunahing negatibong dahilan. Ang aplikasyon ay nangangailangan ng sertipiko ng pagbabayad ng buwis, pensiyon, at sertipiko ng pagbabayad ng segurong pangkalusugan. Kung may mga kulang na bayad para sa mga ito, mangyaring bayaran muna bago mag-apply. Mas magiging maganda ang impresyon kung nagbayad na agad bago pagsabihan na kailangan mabayaran ang mga ito.
At kung isusumite ang dahilan ng hindi agad pagbayad sa mga ito at pagsisisi, maaaring magiging maganda ang impresyon ng tagasuri sa aplikante.
Tinatawag itong “mga pangangailangan para sa independeng kabuhayan", sa madaling salita, "mayroon bang economic foundation at kayang mamuhay na ng mag-isa na hindi umaasa sa mga tao?" Hindi lamang kita kundi pati na rin ang ipon at iba pang ari-arian ang mapapasailalim para sa pagsusuri, ngunit ang pinakamahalagang tinitingnan ay ang kita. Mangyaring isaalang-alang na ang kita sa nakalipas na 5 taon ay mapapasailalim sa pagsusuri, at ang "3 milyong yen o higit pa" ay ang pangkalahatang hangganan. At kung sakali na madaragdagan ang magiging dependent kailangan ng humigit-kumulang 700,000 hanggang 800,000 yen na karagdagang kita para sa bawat karagdagang dependent.
Dahil kailangan mamuhay sa sariling sikap, kung walang trabaho o tumataggap ng pinansyal na suporta galing sa gubyerno, malaki ang posibilidad na hindi maaprubahan.
Ito ay tinatawag na "alinsunod na interes sa pamumuhay", at nangangahulugan ito na "kung ang aplikante ay may pakinabang para sa bansang Japan" ay sinusuri. Huwag mag-alala dahil hindi ibig sabihin na kailangang magkaroon ng mga espesyal na kakayahan.
Mga taon ng paninirahan
Dito, ang "taon ng paninirahan" ay ang pangunahing paksa ng pagsusuri.
1. Nanatiling nakatira sa Japan na 10 taon o higit pa.
2. Naninirahan at nagtatrabaho ng may work permit ng 5 taon o higit pa
3. Mayroong residensya ng pinaka mahabang panahon.
Itong tatlo ang mahigpit na susuriin.
1. Nanatiling nakatira ng 10 taon o higit pa.
Ang ibig sabihin ng “patuloy” ay “patuloy ng 10 taon o higit pa”, susuriin kung ang “pamumuhay ay nakabase na sa Japan. Walang magiging problema kung halimbawa umuuwi sa sariling bansa ng isang beses sa isang taon at nagtatagal lamang ng mga isa o dalawang linggo. Kailangan mag-ingat ang mga taong madalas mag business trip. Hindi masasabi ang eksaktong bilang ng mga araw, dahil iba-iba ito sa bawat tao, ngunit sa mga tao na pamamalagi sa ibang bansa ng “100 araw o higit pa” mas maigi na mag-handa ng dahilan kung bakit namamalagi sa ibang bansa ng ganon katagal. Sa mga lumabas na ng bansa at hirap makakuha ng permit para makapasok muli sa Japan kailangan tandaan na kung hindi babalik sa Japan sa loob ng itinuring na panahon ng muling pagpasok, ang patuloy na panahon ng pananatili ay mapuputol.
2. 5 taon o higit pa na work permit at karanasan
Sa trabaho kahit na lumipat ng kumpanya maaaring isumatotal ang taon. Ngunit kung maraming beses na palipat-lipat ng kumpanya, at paiba-iba ang klase ng trabaho, maaaring paghinalaan kung may gana talagang mag-trabaho. At kung sakali nagbago ng trabaho sa loob ng isang taon bago ang aplikasyon, hindi makakakuha ng magandang impresyon. Dahil kakalipat lang sa bagong trabaho, bababa ang kita at hindi stable ang trabaho, mataas ang posibilidad na maaaring pag-hinalaan na hindi makakatagal sa trabaho. Samakatuwid mas mabuti na huwag muna lumipat ng trabaho bago ang aplikasyon at pagkatapos na ng pagsusuri lumipat sa panibagong trabaho.
3.Pinakamahabang termino para sa estado ng paninirahan
Halimbawa, ang pinakamahaba na estado ng paninirahan para sa mga may kaugnay sa trabaho ay limang taon, at dapat ay mayroon estado sa paninirahan para sa panahon ng pananatili ng limang taon. Gayunpaman, sa kasalukuyan, tila madalas na naaprubaha kung ito ay "tatlong taon o higit pa". Kung mayroon panahon ng pananatili na isa o dalawang taon, mangyaring magpabago muna ng estado ng paninirahan at pag napalitan ito ng estado ng pananatili sa tatlong taon o higit pa bago mag-aplay.
Exception sa mga taon ng paninirahan
Hindi lahat ay nangangailangan ng “10 taon o higit pa" na karanasan sa paninirahan. Maaaring mag-aplay para sa permanenteng residente kahit mas maikli sa 10 taon depende sa estado ng paninirahan at mga nakamit. Mayroong ilan, ngunit narito ang mga pangunahing.
Asawa ng Japanese, permanent resident o espesyal na permanent residence, tunay na anak o special adoption atbp.
“Tunay ang pagiging mag-asawa at nagpapatuloy ito ng tatlong taon o higit pa, at nakatira sa Japan ng isang taon o higit pa” ito ang kondisyon na kailangan. Sa madaling salita kahit na patuloy ang pagiging mag-asawa ngunit hindi na magkasama sa isang bahay, o kaya naman kalahating panahon sa loob ng isang taon ay nasa ibang bansa malaki ang posibilidad na hindi maaprubahan ang aplikasyon.
“Patuloy na nakatira sa Japan ng isang taon o higit pa” ang kondisyon para dito. Gaya ng nabanggit sa Asawa malaki ang posibilidad na hindi maaprubahan kung pabalik balik sa Japan at ibang bansa.
Hindi kinakailangan na akma sa mga ito. Kahit na may kriminal na rekord o walang trabaho, mataas ang posibilidad na maaprubahan hangga't natutugunan ang mga taon na nabanggit.
Para sa mga may long-term na estado ng paninirahan na nakatira sa Japan ng limang taon o higit pa
Kabilang sa mga “long-term residence" ang "third-generation Japanese", "mga anak at apo ng dating Japanese (expatriate)”, at ang mga kinikilalang refugee sa ilang lugar. Ang residenteng ito ay maaaring makakuha ng permanenteng residente sa panahon ng pananatili ng limang taon sa halip na sampung taon. Gayunpaman, ang puntong dapat tandaan ay "pagkatapos makuha ng long-term na estado ng paninirahan. “. Kailangan tandaan na hindi sa kabuuang limang taon o higit pa na paninirahan, dapat mamuhay nang hindi bababa sa limang taon pagkatapos makakuha ng estado ng paninirahan.
Mga dayuhan na may mataas na kalidad at abilidad sa pag-gawa
Ang ibig sabihin ng may mataas na kalidad at abilidad sa pag-gawa, ito ay itinatag ng immigration ng Japan sa ilalim ng "Ministry of Advanced Professionals Ordinance” para sa mga dayuhan na may patikular na bilang ng mga puntos o higit pa. Dahil ito ay may label na “may mataas”, hindi ito nangangahulugan na kinakailangan ng estado ng paninirahan para sa may mga “mataas ang kaalaman sa propesyon”.Kung may estado ng paninirahan para sa trabaho at may partikular na bilang na mga puntos o higit pa, maaari ng mapabilang sa “Mga dayuhan na may mataas na kalidad at abilidad sa pag-gawa” Ang mga puntos ay idaragdag sa mga item sa pagsusulit depende sa sitwasyon, tulad ng kinagisnan sa edukasyon, karanasan sa trabaho, at kung magkano ang kinikita kada taon. Ang mga dayuhan na may mataas na kalidad at abilidad sa pag-gawa ay nabibilang sa kategorya ng mga sumusunod
1. Ang mga kinikilalang may 70 puntos o higit pa mula tatlong taon na ang nakakalipas
2. Ang mga kinikilalang may 80 puntos o higit pa mula isang taon na ang nakakalipas
Ang mga puntos na ibinigay ay tataas o magbabago depende sa edad, at kung ang taunang kita ay tumataas, kaya inirerekomenda na alamin sa tuwing nagbabago ang ang inyong sitwasyon.
May ilang tao na napagtanto na sila ay may mataas na kalidad at abilidad sa pag-gawa at sinasabi na “sana pala ay nag-aplay agad ng mas maaga para sa permanenteng residente” may mga nagsisisi dahil hindi agad nalaman ang patungkol dito.