Sa mga gustong kumuha ng trabahador mula sa ibang bansa
May mga ipapakilala para maaring mag-apply ng estado ng paninirahan na may kaugnayan para makakuha ng trabahador sa ibang bansa.
Paglipat ng departamento sa loob ng kumpanya
Maaaring inbitahan at ikuha ng estado ng paninirahan ang nagtatrabaho sa ibang bansa kung ang kumpanya na pinapasukan ay may sangay o punong tanggapan, kaya naman inilipat mula sa isang pangunahing o subsidiary na kumpanya, isang kumpanya ng grupo, atbp. na nasa Japan.Nagtatrabaho na simula pa man sa nasabing kumpanya kaya’t hindi na mahirap kumuha ng mga kailangang isumite na papeles oara dito. May nakasaad na batas sa Immigration Control and Refuge Law patungkol sa kahulugan para sa pangunahing kumpanya at subsidiary na kumpanya.
Para sa mga requirements
Kinakailangan ng hindi bababa sa isang taon na karanasan sa pinagtrabahuhan sa ibang bansa bago lumipat ng trabaho. Gayunpaman, kung lilipat ng departamento sa loob ng isang kumpanya, ang edukasyonal sa karanasan ay hindi isasailalim sa pagsusuri.
Ang deskripsyon ng trabaho ang kailangan may kaugnayan sa [teknikal/ kaalaman sa araling pantao/pandaigdigang negosyo].
Kailangan isaisip na kaya nakarating sa Japan ay dahil sa paglipat ng trabaho at hindi ibig sabihin ay mananatili sa buong panahon. Kaya’t kailangan linawin sa kumpanyang papasukan sa Japan ang panahon kung hanggang kailan lamang karapatdapat manatili. Walang tiyak na panahon kung kailan ang pinakamahaba, ngunit ang pangkaraniwan ay humigit-kumulang limang taon. Gayunpaman, kung mayroon na makatwiran na dahilan posibleng makapag aplay ng pagbabago upang manatili sa Japan.
Hindi ibig sabihin na dayuhan ay mababa ang ibibigay na sweldo. Parehong propesyon at trabaho ang ginagawa kaya’t dapat ay kung ano ang sinisweldo ng mga Japanese ay gayundin ang suswelduhin ng mga dayuhan.