Tungkol sa site na ito
Kung nahihirapan sa salitang Tagalog maaari din kayong tulungan sa salitang Ingles. → English
Sa mga dayuhan na naninirahan sa Fukuoka!Maligayang pagdating sa aming site. Ako si Daisuke Imabayashi, isang admintrative scrivener.
Sa mga dayuhan na may problema sa pag proseso ng estado ng paninirahan, magtayo ng kumpanya at magbukas ng restawran, atbp? Tutulungan ng aming tanggapan ang inyong mga problema.
Maraming mga tao ang ang nagkakaproblema na mamuhay sa ibang bansa. Naranasan ko na din ang ganitong situwasyon. Ang aming administrative scriverner na si Daisuke Imabayashi ay nanirahan sa bansang China mula 2005 haggang 2010 ng limang taon. Kaya’t may karanasan din ako bilang isang “dayuhan” kung kaya’t naiinitindihan ko ang nararamdaman ng mga tao na nanirahan sa ibang bansa.
Dito sa aming tanggapan maaari namin kayong tulungan sa pag-aplay ng estado ng paninirahan, magtayo ng isang kumpanya, magbukas ng restawran, at mag-aplay para sa mga subsidyo. Ang mga administratibong proseso ay napakamasalimuot at mahirap unawain, ang lahat ay nagkakaproblema patungkol dito. Halimbawa:
・Mag-apply ng estado ng paninirahan ngunit hindi alam kung saan at paano ito itatanong.
・Hindi alam kung anung papeles ang kailangan kuhanin.
・Maraming mahihirap na legal na termino at walang ideya kung ano ang nakasulat.
・Nag-aplay ngestado ng paninirahan para sa pangangasiwa ng negosyo, ngunit hindi nabigyan ng
permit at nalalapit na ang deadline para dito.
・Magkano ang ang magiging gastos sa pagpapatayo ng kumpanya?
・Magbubukas ng restawran ngunit napupwersang magloan dahil walang sapat na pondo.
・Magpapakasal sa Japanese pero kailangan rin ba iproseso ito sa sariling bansa?
・Kung gustong manirahan ng permanente sa Japan, alin ang mas maganda kuhanin? Ang
permanenteng bisa or ang pagiging naturalisasyon?
・Ano ang mga kailangang iproseso para makakuha ng trabahador mula sa ibang bansa?
At marami pang iba. Huwag kayong mag alala dahil tutgunan ng aming tanggapan ang inyong mga katanungan. Maaari din kayo tulungan ng aming tanggapan sa wikang vietnam.
Sana ay matulungan ng aming tanggapan ang mga Pilipinong nagsusumikap sa ibang bansa kahit na malayo sa kanilang bayan. Ang aming tanggapan ay maaari kayong tulungan sa tagalog ng 365 na araw at 24 oras. Kahit hindi marunong magtagalog ay maaari namin kayong tulungan sa salitang English. Kaya’t huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin. Hinihintay namin ang araw na kayo ang matulungan.